Tinatayang 62.42% examinees ang tagumpay na nakapasa sa April 2023 Pharmacists Licensure exams, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Abril 14.

Sa inilabas na resulta ng PRC, 1,420 ang pumasa mula sa 2,275 na kumuha ng naturang pagsusulit.

Hinirang na topnotcher si Lyndale Lauron Gallardo mula sa Cebu Doctors University matapos siyang makakuha ng 93.55% rating.

Idineklara naman bilang top-performing school ang Saint Louis University na may 97.14% overall passing rate.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Isinagawa umano ang Pharmacists Licensure exams mula Abril 10 hanggang 11 sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Calapan, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.