Napilitan ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na pansamantalang limitahan ang biyahe ng kanilang tren nitong Huwebes ng hapon kasunod na rin ng naganap na power failure sa Baclaran Station nito sa Parañaque City.

Sa abisong inilabas ng Light Rail Management Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, dakong ala-1:40 ng hapon nang simulan ang limitasyon sa train service ng rail line.

Dahil dito, ang mga tren ng LRT-1 ay bumibiyahe lang muna mula Roosevelt Station hanggang Vito Cruz (southbound) at Gil Puyatpapuntang Roosevelt (northbound) habang nagsasagawa ng assessment at pagkukumpuni ang mga personnel ng LRMC.

“At around 13:40H, LRT-1 train service was temporarily limited due to a reported power failure at Baclaran Station,” abiso pa nito.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

“Trains are operating only from Roosevelt to Vito Cruz (southbound), and Gil Puyat to Roosevelt (northbound),” anito pa.

Inabot ng ilang oras bago tuluyang naibalik ang full operations ng mga tren, ganap na alas-5:15 ng hapon.

“UPDATE AS OF 17:15H, LRT-1 has resumed full operations from Baclaran to Roosevelt (and vice versa),” anang LRMC.

Kaagad rin naman itong humingi ng paumanhin sa kanilang mga pasahero na naapektuhan ng limitadong operasyon.

“We sincerely apologize again for the inconvenience, and we thank our passengers for their patience and understanding. Ingat po sa biyahe!” anito pa.

Ang LRT-1 ang siyang nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City at Baclaran sa Parañaque City.