“Surveys can be done better.”

Ito ang binigyang-diin ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel matapos niyang kuwestiyunin ang Pulse Asia survey na nagsasabing 78% ng mga Pinoy ang sumasang-ayon sa mandatory Reserved Officers Training Corps (ROTC) sa mga kolehiyo sa bansa.

Sa kaniyang pahayag nitong Miyerkules, Abril 12, binanggit ni Manuel ang hindi “carefully worded” ang mga katanungang ginamit sa pag-survey hinggil sa ROTC.

Matatandaang ang tanong na ginamit sa pagsu-survey ay: ‘Ang ROTC o Reserved Officers’ Training Corps ay isang programang naglalayong turuan ang mga kabataan ng mga disiplina at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagsasanay pangmilitar o military training. Matututo rin sila tungkol sa pamumuno at pagiging makabayan. Sinasabi naman ng mga ilang sumasalungat sa ROTC na ito ay nagdudulot lamang ng masamang karanasan tulad ng hazing, pang-aabuso, harrassment, at korapsyon sa mga paaralan. Gaano po kayo sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon sa panukalang ipatupad ang ROTC sa lahat ng mag-aaral sa kolehiyo?’

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Courtesy: Pulse Asia Research Inc. via Office of Sen. Win Gatchalian

"If I were the participant, it seems to me that saying 'no' will make a respondent appear to be anti-discipline or unpatriotic. Who wouldn't say 'yes' to that?,” ani Manuel.

Ayon pa sa kinatawan ng Kabataan Party-list, hindi umano binubuo ng mga estudyante o magiging estudyante sa kolehiyo ang mayorya sa mga respondente sa nasabing survey.

"If we need to scientifically measure the opinion of any group, it should be the primary stakeholders - students - who were previously deprived of sufficient representation in Senate proceedings,” ani Manuel.

"Statistics should aid in policymaking rather than be another tool for disinformation to forward the interests of those in power. Surveys can be done better," saad pa niya.

Isinagawa umano ang nasabing survey mula Marso 15 hanggang Marso 19 ngayong taon sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal.

Kinomisyon ito ni Senador Sherwin Gatchalian, ang co-author at co-sponsor ng Senate Bill No. 2034 o ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Act.