Ipinaaaresto na ng korte si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief general Gerald Bantag at dating deputy nito na si Ricardo Zulueta kaugnay ng kinakaharap na kasong murder.

Ito ay nang maglabas ng warrant of arrest si Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 (RTC) Judge Gener Gito nitong Abril 12.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nina Bantag at Zulueta.

“You are hereby commanded to arrest (1) GERALD QUITALEG BANTAG and (2) RICARDO SORIANO ZULUETA … who has/have been charged before me with the offense of MURDER (RPC [Revised Penal Code] ART. 248) and bring him/her/them forthwith before me to be dealt with according to law,” Gito ordered “any officer of the law," ayon sa kautusan ni Gito.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nag-ugat ang kaso sa pagkamatay ng presong si Cristito "Jun" Villamor na sinasabing "middleman" sa pagkakapaslang kay veteran journalist Percival Mabasa, alyas Percy Lapid, noong Oktubre 2022.

Jonathan Hicap