Inaanyayahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya sa lotto games dahil milyun-milyong papremyo na naman ang naghihintay upang mapanalunan ngayong gabi.

Batay sa jackpot estimates ng PCSO, inaasahang papalo na sa mahigit ₱77 milyon ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na nakatakdang bolahin ngayong Miyerkules ng gabi, Abril 12, 2023.

Ang jackpot prize naman ng GrandLotto 6/55, na bobolahin rin ngayong Miyerkules ng gabi, ay nasa ₱29.7 milyon na.

"Dito ka dapat willing to wait #Kalaro en #HubBarkadZ! Dahil puputok ang pitaka mo sa kapal kapag Ikaw Ang tumama sa ating mga JACKPOT prizes," paanyaya pa ng PCSO.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang MegaLotto 6/45 ay binubola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang angGrandLotto 6/55 ay binubola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya ng lotto, dahil sa halagang ₱20 lang ay may tiyansa ka nang magiging susunod na milyonaryo, at nakatulong ka pa sa mga kababayan nating nangangailangan.