Ano nga ba ang mga post o photos na puwedeng i-upload sa social media? Bawal na bang ibahagi sa madlang netizens ang mga bagay na nagpasaya sa iyo dahil puwedeng bunga ito ng pagpapagod mo o kaya naman ay bonggang-bonggang achievement sa buhay?
Para sa nurse-content creator na si "Nurse Even," hindi dapat pinapansin ang madalas na sinasabi ng ibang tao na “You shouldn’t post your travel photos on social media too much."
"AY HINDEEEE! Halos ikamatay ko ang pag-aaral ng IELTS at OET para makapagpaandar sa social media, tapos pipigilan mo lang ako?" saad sa caption ng Facebook post ni Nurse Even, kalakip ang mga litrato ng kaniyang travel photos. Batay sa kaniyang lokasyon, siya ay nasa Barcelona, Spain.
"Buklatin mo yang English reviewer mo jan, GEW!"
Dagdag pa niya, "Nasan na yung mga nagmamanifest jan, pero inaalikabok na yung English reviewer sa ilalim ng kama?"
"Hirap-hirap mag-apply ng visa tapos ilo-low-key ko lang ang mga travels ko? Ano 'to??! EME HAHAHAHA!"
Tila sang-ayon naman sa kaniya ang iba pang netizens batay sa mababasa sa comment section ng post.
"Post lang nang post, you deserve to travel and have time for yourself 😍💕. Enjoy life to the fullest ciao."
"We are happy for you Nurse Even… Go lang you deserve it… pinaghirapan mo 'yan!"
"Sabi nga, 'pag inggit, pikit! Uso rin ang scroll down o kaya unfollow. Haha."
"Walang pakialamanan sa mga travel photos, 'di ba?! Hirap kaya magtrabaho sa nosebleed country. Chars!🤪🤪🤪🤪 Pag inggit, pikit lol😂😂😂😂😂."
Umabot na sa 74k reactions, 4.3k shares at 3k comments ang naturang Facebook post ni Nurse Even.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!