Inanunsiyo ni Department of Health (DOH) officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire nitong Miyerkules na magiging available na rin sa general population ang second Covid-19 booster shots.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Vergeire na hinihintay na lamang ng DOH ang ilalabas na implementing guidelines bago simulan ang roll out ng second boosters para sa general population.

"Batay sa updated emergency use authorization ng Food and Drug Administration at positibong rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council, maaari na po nating magamit ang ating mga bakuna na meron tayo ngayon upang makapag-second boosters na ang general population o ang ating healthy adults," ani Vergeire.

Matatandaang ang second booster jabs ay available lamang sa frontline healthcare workers, senior citizens, at persons with comorbidities.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pinakahuling datos ng DOH, nabatid na nasa 78.4 milyong indibidwal na ang fully vaccinated laban sa Covid-19.

Nasa 23.8 milyong indibidwal naman ang nakatanggap ma ng kanilang first booster shots at 4.4 milyon naman ang naturukan ng second booster shot.