Nagpasalamat ang Kapuso star Bea Alonzo sa kaniyang fans nang umabot na sa 3 milyon ang kaniyang YouTube subscribers, bilang pasasalamat ay nagpa-field trip ang aktres sa mga bata.

Sa kaniyang vlog, mapapanood na ipinasyal at pinakain ni Bea ang mga bata kaya naman pinuri ng netizens ang aktres dahil sa kaniyang mabuting loob.

“Thank you for 3 million Youtube subs, BEAutiful people! To celebrate this new milestone, I decided to share this wonderful blessing with the girls at ECPAT Philippines.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://youtu.be/PfhBRNSQFcw

"Matagal ko na sila gusto dalhin outside for a field trip and I’m glad that I was finally able to do it for them,” caption ng aktres.

Nakipag-partner si Bea sa Dream Lab Makati para dalhin ang mga batang babae na nasa pangangalaga ng End Child Prostitution in Asian Tourism o ECPAT isang society organization na nagsisikap na wakasan ang sekswal na pagsasamantala sa mga bata.

Sa kasalukuyan, nasa 118,954 views na ang inani ng kaniyang vlog.