Inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na posibleng sa susunod na buwan ay umabot na sa mahigit 600 ang maitatalang daily COVID-19 cases sa bansa.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang kanilang latest projection ay base sa kasalukuyang transmission rate ng virus, vaccination coverage at pagtalima sa minimum public health standards ng mga mamamayan.

"Dun sa national daily cases as of April 11 projection, pinapakita that we can have 289 cases up to 611 daily cases by May 15," ayon pa kay Vergeire.

Samantala, ang arawang COVID-19 cases naman aniya sa Metro Manila ay maaaring umabot sa pagitan ng 30 hanggang 122 kaso sa kahalintulad na panahon.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nilinaw naman ni Vergeire na hindi naman nila sinasabi na mangyayari talaga ang kanilang projections.

Paliwanag pa niya, ginagamit ito ng pamahalaan upang magkaroon ng mas mahusay na plano sa kanilang pandemic response