Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Isang aktibong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Tarlac at dating miyembro ng CTG sa Zambales ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad at nag-turn over ng kanilang mga armas, ayon sa ulat nitong Miyerkules.

Pinangunahan ng mga awtoridad ang boluntaryong pagsuko ni “Ka Bunog”, dating miyembro ng Militiang Bayan. Nag-turn over din siya ng isang unit 12 gauge improvised shotgun at isang unit ng 40mm grenade ammunition.

Samantala, si “Ka Johnny”, isang aktibong miyembro ng CTG ay boluntaryong sumuko rin sa mga tauhan ng 304th Maneuver Company, at nag-turn over ng isang unit ng homemade M14 rifle, 10 Ammunition 7.62, magazine at rifle grenade na may canister.

Si Ka Johnny ay mayroon ding epektibong warrant of arrest dahil sa paglabag sa PD 705 (Revised Forestry code) sa ilalim ng kasong kriminal No.16-06 na inisyu ni Hon. Jose Vallo Presiding Judge, Third Judicial Region, Branch 68 Camiling Tarlac at paglabag sa Article 285 (Other Light Threats) sa ilalim ng Criminal Case No. 3418-SJ (16).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hinikayat ni Police Regional Office 3 Director PBGEN Jose S Hidalgo Jr ang mga lumalaban pa rin sa gobyerno na magbitiw ng armas, makipagtulungan sa gobyerno at mamuhay ng mas mapayapang paraan.