Ngayong araw ay ipinagdiriwang din ni Lea Salonga ang ika-32 anibersaryo ng Broadway, ang isa sa nagbigay oportunidad sa noo’y 18-anyos lang na Pinay talent para magpakitang-gilas sa award-winning musical show na Miss Saigon.

Mababasa ang maikling paggunita ng Tony award-winning actress-singer sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Abril 11.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Broadway. 32 years ago today. Unbelievable,” aniya kalakip ang larawan ng iconic poster ng Miss Saigon.

Eksaktong Abril 11, 1991 nang magbukas sa Broadway, Broadway Theatre sa New Yowk ang Miss Saigon matapos itong mag-premiere sa Theatre Royal, Dury Lane, London noong 1989 hanggang 1999.

Ang Pinay singing legend ang orihinal na gumanap bilang “Kim” sa naturang palabas ay tinaguriang “Broadway’s fourteenth longest-running show” noong 2022.

Kabilang sa mga pagkilalang nauwi ni Lea sa natatangi niyang pagganap sa karakter ang Drama Desk Award,Outer Critics Circle Award, at Theatre World Awardskabilang ang makasaysayang Tony Award para sa isang Asian act.

Ilang Facebook friends naman ang nakiisa rin sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagpuri sa Pinay legend.

Samantala, nagbabalik ngayong taon si Lea sa parehong debut sa palabas na “Here Lies Love.”

Basahin: Makahulugang post ni Lea Salonga: ‘Marami talagang bastos sa social media’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid