Arestado ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Station (PS 10) noong Lunes, Abril 10, ang isang lalaking nagnakaw umano ng ilang kasangkapan sa isang bahay sa Barangay Paligsahan, Quezon City.
Kinilala ng QCPD ang suspek na si Angel Noble, 26, ng Barangay Obrero, Quezon City.
Sa ulat ng pulisya, bandang 11:45 ng gabi ay pinasok ni Noble at ng kanyang dalawang kasamahan ang bahay ng biktima sa Barangay Paligsahan noong Linggo, Abril 9. Tinangay umano ng mga ito ng ilang muwebles at tumakas patungo sa hindi natukoy na lokasyon.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang PS 10 at nakilala ang suspek sa pamamagitan ng closed circuit television footage. Inaresto ng mga operatiba si Noble sa kanyang bahay sa Barangay Obrero dakong alas-2:40 ng hapon. sa Lunes.
Narekober sa kanya ang isang wood vinyl record holder na nagkakahalaga ng P500; dalawang kahoy na side table na nagkakahalaga ng P2,000; isang center table na nagkakahalaga ng P2,500; isang display table na nagkakahalaga ng P500; isang lampara na nagkakahalaga ng P500; at 50 piraso ng vinyl record na nagkakahalaga ng P10,000.
Kakasuhan ng robbery si Noble habang inilunsad naman ng mga pulis ang manhunt operations para hanapin at arestuhin ang kanyang mga kasamahan.
Aaron Homer Dioquino