May saloobin ang talent manager na si Ogie Diaz kasunod ng ilang indikasyon umano ng pagbubuntis ngayon si Toni Gonzaga sa kanilang ikalawang supling ni Direk Paul Soriano.

Naiintriga kasi ngayon ang marami kaugnay ng tila hindi pa raw pag-aanunsyo ni Toni sa espesyal na chapter ng kanilang pamilya.

Basahin: ‘Baby bump’ ni Toni nahalata sa panayam niya kay Angeline – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sey na ni Ogie sa chika: “Dapat intindihin natin ‘yan. Minsan may mga ganoon, ‘pag nagbubuntis, mas gusto nila tahimik lang hanggang sa makapanganak sila. Kung anong gustong isipin ng mga tao, edi isipin niyo.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang importante raw ngayon ay alam ng publiko na happily married ang host kay Direk Paul.

“Kaya hayaan natin ‘yan. Hayaan natin n’yong sila ang mag-announce niyan,” lalo pang matagal na rin daw na plinano nila Toni na masundan si Sevi, ang panganay ng celebrity couple.

“Congratulations kung totoo man,” pagbati na ni Ogie sa kanila na wish namang baby girl ang next sa pamilya.

Ipinunto ng showbiz insider sa hulo na walang responsibilidad ang pamilya na ipaalam sa publiko kung true nga ang pregnancy ng host.

“Sa mga nagtatanong kung bakit hindi inaamin, o ina-announce, wala hong obligasyon sa inyo ang pamilya na na mag-announce. Hayaan na natin sila. Hayaan natin sila mag-announce. Hayaan natin sila kung anong gusto nilang gawin dahil buhay nila ‘yun, anak nila yun. Sila ang nakakaalam sa kung ano ang dapat at tama,” sey ng talent manager.

“Maghintay-hintay na lang,” dagdag niya pa.

Wish naman ni Ogie at hosts ng YouTube show ang ligtas at healthy na pagbubuntis hanggang sa panganganak ni Toni.

&t=1270s