Pasok na sa Top 24 ang Pinoy-Canadian young star na si Tyson Venegas matapos ang Showstopper round ng American Idol season 21.

Muling pinabilib ng 17-anyos na binatilyo ang mga judges sa naturang round ng kompetisyon matapos kantahin ang 2019 hit ni Lizzo na “Cuz I love You.”

Bagaman magaling na ay nagpakatototoo naman ang judges sa Pinoy hopeful na kung ikukumpara sa kaniyang naging platinum performance noong audition, tila may kailangan pang patunayan si Tyson sa kaniyang idol journey.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“You didn’t do so great on Showstoppers, that’s true. We looked at each other aid and we’re eating our words. We said he was a show shoe-in,” sey ni Katy bago ang anunsyo ng Top 24 inclusion ni Tyson.

“I was so mad about myself. I was so angry, why you didn’t just say those for lines because you already know it,” pagbabahagi naman ng dugong Pinoy sa judges.

“I think if I make it to Top 24, I really wanna show you that I can do more; that I have more surprises to show you guys,” dagdag na pangako ni Tyson.

Pagtalak ni Katy, sa murang edad ay tila nakakastigo na ng young idol ang sarili para magpigil aniya ito sa kompetisyon.

“You’ve been through much and you hold so much. Maybe you can let go some of that pressure,” sey ng “Firework” star kay Tyson.

“That is a part of life. That’s how you learn and you’re seventeen, and you’re so young and you’ve got so much learning still ahead of you,” dagdag na payo ni hurado sa Pinoy talent.

Sa huli, bagaman unang sinabi ni Katy na hindi para kay Tyson ang Top 24 ay sunod naman na inihirit nito na mas bagay siya sa Top 10, bagay na ikinasorpresa ng young star.

“Don’t beat yourself up,” pagtatapos no Katy.

“Trust your heart. Trust yoUr gut. You’re still a great singer,” pabaon naman na salita ni Luke Bryan kay Tyson.

Basahin: Balikan: Tyson Venegas sa The Voice Teens Philippines, ang Pinoy-Canadian na nagpabilib sa American Idol – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bago maging frontrunner ng kasalukuyang singing competition sa Amerika, babalikan noong 2020 nang sumabak sa The Voice Teens edition si Tyson kung saan napaikot ng tinaguurian ngayong “singing prodigy” ang mga judges na sina Lea Salonga, Apl. De. Ap, at Sarah Geronimo sa 1964 hit ni Sam Cooke na “A Change Is Gonna Come.”

Sa hindi nalinaw na dahilan ay hindi na nagpatuloy si Tyson sa naturang Kapamilya show matapos maipanalo ang Battle Rounds.