Mukhang napansin ng jury ang kahusayan sa pagpapatawa ng komedyante, TV host, at impersonator ni ABS-CBN news anchor Karen Davila na si "KaladKaren Davila" o Jervi Li, para sa pelikulang "Here Comes the Groom" na kasama sa mga pelikulang kalahok sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival ngayong 2023.

Masayang ibinahagi ni KaladKaren sa kaniyang social media accounts ang magandang balita, at pasok siya sa kategoryang "Best Actress in a Supporting Role."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"WOW!!!!! Inclusion. This means so much to me!!!! Thank you MMFF for nominating me in this category!" ani KaladKaren.

Makikitang makakalaban niya sa kategorya sina Ana Abad Santos ng "Love You Long Time" at ang kapwa aktres sa pelikula na si Maris Racal.

Nagbubunyi naman hindi lamang si KaladKaren kundi ang buong LGBTQIA+ community dahil sa inclusion niya sa kategorya para sa "actress."

In fairness ay hakot din sa nominasyon ang Here Comes the Groom na sequel ng "Here Comes the Bride" noon nina Angelica Panganiban, John Lapus, Tuesday Vargas, Jaime Fabregas, at Eugene Domingo noong 2010.

Samantala, makikita sa opisyal na Facebook page ng Summer MMFF 2023 ang mga nominado sa iba't ibang kategorya. Ang awards night ay magaganap mamayang gabi.