Humingi na ng dispensa ang pinakamataas na spiritual leader ng Tibetan Buddhism, ang "Dalai Lama," matapos kumalat ang video ng kaniyang paghalik sa isang Indian boy at pabirong hiling dito na "sipsipin" ang kaniyang dila.

Ang 14th Dalai Lama ay si Tenzin Gyatso, 87-anyos. Ayon sa mga ulat, Pebrero pa ngayong taon naganap ang naturang pangyayari subalit ngayong Abril lamang kumalat ang video at naging hot topic sa social media. Naganap umano ito sa templo sa Dharamshala, India.

Higit sa 120 young students na nagtapos mula sa Indian M3M Foundation ang dumalo sa naturang pagtitipon, kung saan dumalo ang batang Indian na lumapit sa mikropono at humiling na mayakap ang Dalai Lama.

"Can I hug you?" tanong ng batang lalaki.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Tinawag at pinalapit ng Dalai Lama ang batang lalaki at itinuro ang kaniyang pisngi upang siya ay halikan.

Subalit, maya-maya, sinabi ng Dalai Lama at halikan din siya sa labi at i-suck ang kaniyang dila.

Inilabas nga ng spiritual leader ang kaniyang dila subalit makikitang nakatitig at tila nailang naman ang batang lalaki. Maririnig naman ang tawanan ng mga nakatatanda sa paligid. Hindi naman nangyari ang nais ng spiritual leader.

Katakot-takot na kritisismo ang natanggap ng Dalai Lama mula sa netizens, na inakusahan siyang "pedophile," "manyak," at iba pa.

Dahil dito, agad na naglabas ng public apology ang tanggapan ng Dalai Lama.

"His holiness wishes to apologize to the boy and his family as well as his many friends across the world, for the hurt his words may have caused."

"His holiness often teases people he meets in an innocent and playful way, even in public and before cameras. He regrets the incident."

Hindi ito ang unang beses na nasangkot sa kontrobersiya ang Dalai Lama.

Noong 2019, pinagtaasan din ng kilay ang naging pahayag niya na kung maire-reincarnate siya bilang babae, dapat ay maging mas kaakit-akit daw ito.