Inanunsyo ng Miss Universe Philippines Organization ang limang kandidatang umangat sa kanilang “Photoshoot Challenge,” Lunes, Abril 10.
Gamit ang Miss Universe Philippines application, mismong ang mga fans ang bumoto at siyang pumili upang makilala ang Top 5 sa nasabing challenge.
Pasok sa Top 5 sina Airissh Ramos ng Eastern Samar, Angelique Manto ng Pampanga, Janmarie Zarzoso ng Agusan Del Norte, Lesly Sim ng Quezon Province, at Princess Anne Marcos mula naman sa Bulacan.
Ang nanguna sa botohan ay siyang malalaman safinals night kung saan makakakuha ito ng siguradong slot at papasok sa semi-finals ng kompetisyon.
Inaabangan naman ng mga pageant fans ang mga susunod na challenges ng MUPh para sa mga kandidata, kabilang na ang Swimsuit at Runway Challenges.
Magaganap ang Miss Universe Philippines 2023 sa darating na Mayo 13 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, kung saan ipapasa ni Miss Universe Philippines Celeste Cortesi ang kaniyang korona mananalong kandidata na siyang magiging opisyal na kinatawan ng bansa para sa Miss Universe pageant.