Isang cutie female Chihuahua mula sa USA na mas maliit pa umano sa isang popsicle stick ang kinilala ng Guinness World Records (GWR) na pinakamaliit na asong nabubuhay sa buong mundo.
Sa ulat ng GWR, dalawang taon na ang Chihuahua na nagngangalang “Pearl” na may taas na 9.14 cm (3.59 in).
Ipinanganak noong Setyembre 1, 2020, may haba umano si Pearl na 12.7 cm (5.0 in) o halos kasinlaki ng isang dollar bill, at may timbang namang 553 g (1.22 lb).
“Pearl is a relative of the previous record holder, Miracle Milly (9.65 cm; 3.8 in), who sadly passed away in 2020 before Pearl was born. Pearl is the daughter of one of Milly’s identical sisters,” saad ng GWR.
“Just like her ancestor Milly, Pearl weighed less than an ounce (28 g) at birth,” dagdag nito.
Ibinahagi naman sa GWR ni Vanesa Semler, may-ari kay Pearl at Miracle Milly, na sa kabila ng edad ni Pearl, “child at heart” pa rin ito at masiyahin.
Sa kabila rin ng maliit niyang sukat, mayroon umano itong “BIG” personality.
“We’re blessed to have her,” ani Semler.
“And to have this unique opportunity to break our own record and share with the world this amazing news,” saad pa niya.