Nanawagan ang isang senador sa publiko na maging responsable at magbayad ng buwis.

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian, dapat ay tuparin ng mga taxpayer ang nasabing obligasyon kasabay na rin ng apela nito sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na apurahin angdigitalization program nito upang mapabilis ang mga transaksyon.

“As responsible citizens of the country, taxpayers have a collective obligation to pay the right amount of taxes due them. Revenues generated by the government enable the implementation of various programs and projects necessary to promote economic growth,” ayon sa senador.

Wala aniyang maidadahilan ang mga taxpayer na hindi mahabol ang deadline dahil mayroong mga bangko at sangay ng BIR na tumatanggap ng kanilang bayad sa buwis.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pinaalalahanan din nito ang publiko na hanggang Abril 17 na lamang ang pagtanggap ng BIR ng kanilang bayad at paghahain ng Annual Income Tax Returns (AITR).

Philippine News Agency