Mahigit sa 45,000 pasahero ang dumating sa bansa nitong Abril 9 (Linggo ng Pagkabuhay).

Sa pahayag ng Bureau of Immigration (BI), inaasahan pa ang pagtaas ng bilang nito hanggang sa matapos ang huling araw ng holiday ngayong Lunes (Araw ng Kagitingan).

"The high number of arriving and departing passengers shows that the travel sector is already recovering. We see this as a good sign, and we believe the numbers will continue rising until the end of the year,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Naitala rin ng ahensya ang mahigit sa 33,000 na umalis ng bansa sa nasabing panahon.

National

Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'

Malaki rin aniya ang naging tulong ng 155 na immigration officer nito na naka-duty mula nang magsimula ang holiday nitong Abril 5 (Miyerkules Santo).

“Our officers sacrifice precious time with their loved ones to serve the traveling public. Despite the challenges, we are thankful to those who continue their work efficiently and professionally,” dagdag pa ng opisyal.

Philippine News Agency