LINGAYEN --  Nalunod ang dalawang katao sa magkahiwalay na lugar sa Pangasinan, ayon sa ulat ng Police Regional Office 1 nitong Lunes, Abril 10.

Sa ulat, kinilala ang biktima na si Jaime Mendoza, 43, factory worker, residente ng Brgy. Pulang Lupa, Valenzuela City, na nalunod sa isang public beach sa Lingayen.

Habang ang isa naman ay naiulat na nalunod sa Agno River sa Brgy. Sto. Domingo, Sto. Tomas, Pangasinan.

Ang biktima ay hindi pa napapangalanan ngunit ito ay isang lalaki na tinatayang nasa edad 30-40 anyos, may suot na itim na shorts, may kwintas at singsing, at may tattoo na "angel" sa kaniyang kaliwang braso.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa imbestigasyon, ang bangkay ng biktima ay natagpuan ni Richard Alcause, 35, habang ito ay nangingisda. 

Gayunman, pinaniniwalaang nalunod sa ibang lugar ang biktima at inagos na lamang umano ito sa Agno River.