Inihayag ni Davao City Rep. Paolo Duterte na hinihikayat niya ang mga kabataan na magsikap sa pagtatamo ng trabaho sa pamamagitan na pag-aaral ng iba't ibang kursong-bokasyonal sa Technical Education and Skills Developmant Authority (TESDA) Training-for-Work Program.
Ayon sa kay Duterte, tumatanggap na ngayon ang kanyang tanggapan ng mga aplikasyon para sa scholarship para makapag-aral ang mga kabataan at walang trabaho ng iba't ibang kurso.
Sinabi niya na ang Tesda Training for Work Scholarship Program (TWSP) ay naglalayong ipagpatuloy ang pagkakaroon ng mga tamang tao para mapunan ang kakulangan ng trabaho sa mahahalagang industriya sa bansa at upang makatulong din sa mga Pilipino na magkatrabaho.
Ang ganitong inisyatiba ay bahagi ng pagsisikap ng gobyerno "to bring excellent technical and vocational education and training (TVET) to the grassroots and increase the employability of poor Filipinos."
"Tesda has been very important in helping Filipinos upgrade, reskill, and get decent-paying jobs. To keep up and create graduates with the necessary skills, we call on Tesda to constantly improve its programs and services," ani Duterte.
Ang mga benepisyaryo ng programa ay dapat na 18 taong gulang sa panahong ang TWSP scholarship ay nakumpleto, at dapat na maging high school graduates.
Kabilang sa mga kursong inaalok ng ng TWSP ay Automotive Servicing National Certificate 1, Shielded Metal Arc Welding NC 1 and NC 2, Electrical Installation and Maintenance NC 2, Health Care Services NC 2, at Computer Systems Servicing NC 2.