Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Pinoy ngayong Pasko ng Pagkabuhay, Abril 9, na magpahinga, pagnilayan ang mga nakaraang nagawa at hanapin ang tamang landas pasulong.

“I hope and pray that the Holy Week has given all of us ample time to rest and spend quality time with our family and loved ones. I also hope that all of us had the opportunity to reflect on our past actions and contemplate finding the right path forward,” pahayag ni Romualdez sa kaniyang social media post.

Ayon kay Romualdez, ang Pasko na Pagkabuhay ay isang maligayang pagkakataon dahil ito ang araw ng pagkabuhay muli ni HesuKristo na namatay para sa kasalanan ng sanlibutan.

“It is a time of great joy and jubilation, for our Lord Jesus rose from the dead after dying to redeem us from our sins. It is also a time of hope, for in our Lord’s resurrection we find that the promise of eternal life holds true for all of Christianity," ani Romualdez.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Let us express gratitude for everything our Heavenly Father has given us: our health, our safety, and the blessings and bounty of nature,” saad pa niya.

Nagkaroon ng recess ang Kamara mula noong Marso 23 inaasahang magpapatuloy umano ang mga sesyon nito sa Mayo 8. Sa kabila nito, pinahintulutan ni Romualdez ang pagsasagawa ng mga pagdinig ng komite sa panahon ng recess.