Tumaas ang presyo ng isda at iba pang seafood sa ilang pamilihan sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) spokesperson Kristine Evangelista sa isang television interview nitong Linggo.

Umaabot aniya sa P20 ang ipinatong sa presyo ng kada kilo ng mga ito.

Gayunman, kumpiyansa si Evangelista na babalik sa normal ang presyo ng mga ito pagkatapos ng Semana Santa.

Probinsya

Menor de edad, nasagip matapos tangayin ng alon sa Tacloban

Bukod dito aniya, nagtaas din ang presyo ng gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila.