Nasawi ang pahinante habang dalawa ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang dump truck sa Ilagan City nitong Linggo, Abril 9.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) Ilagan City na patungo ang naturang truck saisang project site upang magdala ng mga graba, bato at buhangin nang ito ay nawalan ng preno, bumaliktad at mahulog sa bangin sa Brgy. Sindun Bayabo sa lalawigang ito.

Sa pahayag sa pulisya ng tsuper ng dump truck na si Ariel Fernandez, 32-anyos ng Barangay Song-song, Gamu, Isabela, basta na lamang umanong bumigay ang preno at nawalan ng kontrol ang manibela ng sasakyan.

Sa pagkahulog ng dump truck sa bangin, minalas na nasawi ang pahinante na si Jayson Hernandez habang sugatan naman si Jason Dacuba ng San

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Andres, Ilagan City at si Fernandez.

Agad pang naisugod ng mga rescue team ang mga biktima sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital kung saan idineklarang dead on arrival si Hernandez. Pinalad namang ligtas sina Dacuba at Fernandez na pawang nakaratay sa nasabing pagamutan sa araw ng Easter Sunday.