Nagbigay ng mensahe si Pope Francis para sa lahat, ngayong Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday, Abril 9.

Sa pamamagitan ng kaniyang tweets, sinabi ng Santo Papa na panahon na upang alisin sa sarili ang "disappointments" at "mistrusts."

"Today the power of Easter calls you to roll away every stone of disappointment and mistrust. The Lord is an expert in rolling back the stones of sin and fear. He wants to illuminate your sacred memory, your most beautiful memory, to make you relive your first encounter with him," aniya.

https://twitter.com/Pontifex/status/1644796001201577985

Magsilbing paalala umano ang "Pasko ng Pagkabuhay" para magsimula ang lahat sa kanilang "bagong buhay."

"Let us revive the beauty of that moment when we realized that he is alive and we made him the Lord of our lives. Let us return to Galilee. Let each of us return to his or her own Galilee, to the place where we first encountered him. Let us rise to new life!"

https://twitter.com/Pontifex/status/1644797259689730048

Ang araw na ito, Abril 9, ay tinatawag na "Linggo ng Pagkabuhay" o Easter Sunday. Tinatawag din itong "Pasko ng Pagkabuhay" o "Resurrection Sunday."

Ayon sa Kristiyanismo, ito ang araw ng pagbangon ni Hesus mula sa kaniyang kamatayan, o sa madaling salita, muling pagkabuhay ni Hesus. Simbolo umano ito ng pag-asa, pagbangon at pagbabalik-buhay.