Nagpabagbag sa damdamin ng netizens lalo na sa pet lovers nang ibahagi ng nagngangalang "Rai Cua" ang litrato ng isang babaeng nakahiga sa labas ng isang "RoRo" kasa-kasama ang kaniyang mga alagang aso.

"Parang alalay n'yo na lang talaga kami mga bunso," saad sa caption ng Facebook post.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Agad namang naging viral ang FB post lalo na nang malaman ng mga netizen ang kuwento sa likod nito.

Ayon sa isang ulat, mula sa Taguig ay sumakay sila ng "RoRo" o Roll-on Roll-off ships, isang uri ng sasakyang-pandagat na sadyang dinesenyo upang magkarga ng wheeled cargo gaya ng mga kotse, motorsiklo, trucks, semi-trailer trucks, buses, trailers, at railroad cars, upang magtungo sa Masbate nitong nagdaang Semana Santa.

Subalit hindi sila pinayagang papasukin sa loob dahil sa mga dala nilang pet dogs na sina "Puti" at "Kulot." Papayagan lamang sila kung ilalagak ang dalawa sa isang kulungan at tatakpan ng trapal.

Hindi sila pumayag na gawin ito sa kanilang mga alaga dahil baka ma-stress lang daw at kung ano pa ang mangyari sa kanila. Kaya naman nagdesisyon na lamang sila na kahit sa labas na lamang sila ng RoRo matulog, basta't kasama lamang nila ang mga alaga.

Mabuti naman daw at pumayag ang mga taga-RoRo na ganoon na lamang ang gawin nila.

Naging komportable naman daw sila dahil bukod sa mahangin at hindi na kailangan ng aircon, hindi rin naman umulan.

Ang mahalaga sa kanila, sila ay sama-sama. Maluwalhati naman silang nakauwi sa Masbate.

Natuwa naman ang pet lovers sa pamunuan ng RoRo.

"Thank you pinayagan sila makasakay. Sarap naman ng tulog nila enjoy and be safe ❤️."

"Feeling loved yung mga aso halata sa mga ngiti nila kahit tulog."

"Kahit ako, ganyan ang gagawin ko, hindi ko kakayaning mawalay sa mga alaga ko, para ko na silang mga anak!"

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!