LEMERY, Batangas -- Apat na teenager na estudyante, tatlo ang babae at isang laborer ang nalunod, habang isa ang nakaligtas nitong Black Saturday ng hapon, Abril 8, sa Brgy. Sambal Ilaya sa bayang ito.

Ayon sa Batangas Police Provincial Office, ang biktimang binatilyo ay edad 16-anyos; 17-, 18-, at 11-anyos naman ang mga dalagita, pare-parehong estudyante; at natukoy si Mark John Espulgar, 23, binata, trabahador, at pawang mga residente ng Barangay Sampa, Sta. Teresita, Batangas; habang ang nakaligtas ay si Danilo Tubal, 47, welder.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, natanggap nila ang ulat alas-5 ng hapon tungkol sa insidente mula sa Batangas Provincial Hospital at nagsagawa ng imbestigasyon.

Napag-alaman na ang mga biktima ay naglalakad lang sa mababaw na bahagi ng tubig-dagat nang bigla silang lumubog sa malalim na bahagi nito dahilan upang sila ay tuluyang matangay at malunod.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ang tatlong menor de edad na biktima kasama si Tubal ay unang iniligtas ng concerned citizen at dinala sa nasabing pagamutan ngunit ang tatlong menor de edad ay idineklara nang dead on arrival ng attending physician na si Dr. Eric Barret habang si Tubal ay sumasailalim sa paggamot at ngayon ay nasa maayos nang kondisyon.

Dakong6:25 ng gabi, ang mga biktimang may edad 11 at si Espulgar ay natagpuan ng rescue team ng Lemery sa isinagawang search and rescue operation.

Dinala sila sa parehong ospital ngunit idineklara ding dead on arrival.