BATANGAS -- Tatlo pang katao, kabilang ang isang menor de edad, ang napaulat sa pulisya na nasawi matapos malunodsa magkakahiwalay na bayan noong Biyernes Santo at Black Saturday, sa lalawigang ito.

Ayon sa Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang mga biktima ay isang 17-anyos na lalaking estudyante, binata, residente ng FDR, Block 9, Lot 12, Phase 3, GMA, Cavite; Juanito Tiples, 61, residente ng Zone 10 Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas, Cavite; at Rexie Detaonon, 30, binata, residente ng Barangay Munting Indang Nasugbu, Batangas.

Basahin: 4 kabataang estudyante, 1 laborer, patay sa lunod sa Lemery, Batangas – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ayon sa ulat, nalunod ang estudyante sa resort ng Madam Placed sa Barangay Lumaniag sa bayan ng Lian alas-10 ng umaga noong Biyernes, Abril 7 matapos mag-check-in ang kanyang pamilya, mga kamag-anak, at mga kaibigan sa resort para sa summer beach outing.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Isinugod siya ng kanyang pamilya at mga lokal na Barangay Officials sa Apacible Memorial District Hospital, Nasugbu, Batangas para magamot ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician na si Dr. Andy Art Clement Decretales.

Si Detaonon alas-2 ng hapon napaulat na malunod din nitong Biyernes Santo, Abril 7. Nagsasaya ang biktima sa ilog ng Barangay Munting Indang sa bayan ng Nasugbu nang lumubog ito sa malalim na bahagi ng tubig dahil sa malakas na agos.

Nagawa ng mga civilian rescuers sa nasabing lugar na maiahon ang biktima at malapatan ng paunang lunas para isalba at agad din isinugod sa Apacible Memorial District Hospital ng MDRRMO response team ngunit idineklara itong dead on arrival.

Samantalang sa bayan ng Lemery, nakitang lasing si Tiples at paulit-ulit na pinayuhan ng Lemery rescue team na nagpapatrolya sa dalampasigan alas-2:20 ng hapon noong Abril 8 na huwag pumunta sa dagat ngunit makalipas ang isang oras, natagpuang ni Jeffrey Sale ang biktima na nakalutang sa mababaw na bahagi ng dagat at walang malay.

Agad itong dinala sa Batangas Provincial Hospital para magamot ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician na si Dr. Eric Barret.