CANDELARIA, Quezon -- Patay ang dalawang rider at sugatan ang isang back rider nang magbanggaan ang sinasakyan nilang motorsiklo habang binabagtas ang Maharlika Highway sa Brgy. Masin Sur, nitong madaling araw ng Easter Sunday, Abril 9, sa bayang ito.

Kinilala ang mga biktima sa ulat na sina Boyet Paderon Marquez at residente ng Brgy. Bignay 1, bayan ng Sariaya; at Ardy Advincula Medina, 49, technician, at residente ng 141 A San Juan Bautista St., Campsite Payatas, Quezon City.

Sugatan si Manuel Paderon Paña Jr., 39, pares vendor, at residente ng Brgy. Guis-Guis, sa Sariaya, ayon sa ulat ni Lt. Col. Dennis de Leon, hepe ng Candelaria Police.

Nagtamo ng fatal injuries sa katawan ang mga rider at dinala ng mga rumespondeng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa Peter Paul Medical Center ng Candelaria Inc. ngunit idineklara silang dead on arrival ng attending physician, habang si Paña naman ay nagtamo ng mga sugat at dinala sa Candelaria. District Hospital para sa medikal na paggamot, dagdag ni de Leon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa imbestigasyon, alas-3 ng madaling-araw ay minamaneho ni Marquez ang kanyang Rusi na motorsiklo sa direksyong timog habang minamaneho ni Medina ang kanyang Kawasaki Rouser na bumibiyahe din sa nasabing lugar patungo sa direksyon ng bayan ng Tiaong nang biglang inukopa ang kabilang linya na naging dahilan upang magkabangaan sila, ayon kay Police Staff Sergeant Manolito Vitoriano.

Ang mga labi ng mga biktima ay kasalukuyang nasa nasabing ospital habang naghihintay ng post-mortem examination, at ideneklara ng pulisya na sarado na ang kaso, dagdag ng ulat.