NUEVA ECIJA – Isang drug buy-bust ang nagresulta sa neutralisasyon ng isang drug trader habang tatlong pulis ang nasugatan sa bayan ng Guimba, ayon sa ulat ng pulisya nitong Sabado, Abril 8.

Sa nahuling ulat mula sa tanggapan ni Colonel Richard Caballero, Acting Provincial Director, Nueva Ecija Provincial Police Office, kinilala ang umano'y tulak ng droga na si Reynaldo De Guzman alyas Jay-Ar ng Barangay Bacayao, Guimba, Nueva Ecija.

Kasama si De Guzman sa illegal drug watch list ng Guimba Police.

Noong Abril 4, nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation ang mga awtoridad ng pulisya sa Barangay Bacayao, Guimba Nueva Ecija.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kalauna'y nalaman ng suspek na may kausap siyang police-poseur-buyer at agad na bumunot ng baril, pinagpaputukan ang mga operatiba ng pulis ngunit bigo itong tumama.

Nakumpiska ng mga operatiba ang baril ng suspek subalit nasaksak naman ng ice-pick sina Staff Sergeant Joseph Dela Cruz (poseur-buyer) kasama sina Corporal Jerry Kidatan at Staff Sergeant Michael Villados na nagtamo ng hallow wound sa kanyang dibdib.

Lahat sila ay isinugod sa Guimba Community Hospital.

Napilitang gumanti ng putok ang mga operatiba dahilan para tamaan ang suspek na ikinasawi nito.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang yunit ng homemade Cal. 38 Revolver, ice-pick, black/red Suzuki Smash, at .55 gramo ng hinihinalang shabu.