Isa na namang kanta ng folk-pop band Ben&Ben ang umabot kamakailan sa 100 million streams sa music platform na Spotify.

Sa ulat ng Chart Data PH, inanunsyo nito ang paglagpas na rin sa 100-M stream breach ng 2019 hit ng grupo mula sa album na Limasawa Street, ang kantang “Araw-Araw.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa parehong anunsyo, ang banda ang tanging Pinoy artist na may hawak ng naturang rekord.

Nauna nang naabot ang 100-M streams ang mga kantang “Kathang Isip” na kasalukuyang mayroong 220,098,980 streams, “Maybe the Night” na mayroong 179,914,509 streams sa ngayon, “Pagtingin” na nasa 141,3,872 streams na, “Leaves” na mayroong 131,693,496 streams at “Make It with You” na kasalukuyang mayroong 111,271,346.

Sa kanilang social media post nitong Huwebes, Abril 6, nagpaabot naman ng pasasalamat ang banda sa masugid na fans, ang Liwanag.

“Thank you, Liwanag. Pipiliin namin kayo, Araw-Araw.💙💛

Noong 2022, ang Ben&Ben ang itinanghal ding second most streamed Pinoy artist sa parehong music platform.

Basahin: Moira Dela Torre, reyna pa rin ng OPM sa Spotify ngayong 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid