Malapit nang mapanood sa mga sinehan ang biopic movie ng singer-politician at tinaguriang "Queen of Jukebox" na si Imelda Papin na may pamagat na "Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin."
Iikot ang istorya ng pelikula sa pagiging loyalista o die-hard supporter ni Papin kina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at dating first lady Imelda Marcos noong 70s.
Si Alice Dixson ang gaganap ditong Imelda habang si ER Ejercito naman ang dating pangulong Marcos. Si Optimum Star Claudine Barretto naman ang gaganap bilang young Imelda Papin.
Samantala, ayon sa ulat, marami sa mga netizen ang nalulungkot para sa kapalaran ni Claudine, na dati raw Box-Office Queen ng mainstream movies gaya ng Star Cinema, pero ngayon ay supporting roles na lamang daw ang ginagampanan.
Ilan sa matatagumpay na pelikula ni Claudine noong nasa peak pa talaga ang kaniyang career ay nasa Star Cinema, gaya ng "Anak," "Mula sa Puso The Movie," "Got 2 Believe," "Nasaan Ka Man," "Milan," "Dubai," "Kailangan Kita," "Sukob," "Etiquette of Mistresses," at iba pa.
Isa rin siya sa mga itinuturing na Primetime Soap Opera Queen ng Kapamilya Network noon, kasabayan sina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal.
Ang huling serye ni Claudine sa ABS-CBN ay ang "Iisa Pa Lamang."
Kamakailan lamang ay nagsama sila ni Gladys Reyes sa isang special na episode ng "Wish Ko Lang."