Sa Pilipinas, likas sa maraming Pilipino ang pagiging madasalin at ang pagkakaroon ng matibay na pananalig sa Diyos.
Dahil na rin sa mga pamana ng Kastila—ang Kristiyanismo, relihiyong dinala at pinalaganap ng mga Kastila na hanggang ngayon ay buhay pa rin sa kulturang Pilipino.
Dito nag-umpisa ang iba't ibang paniniwala at paraan ng pagsamba, lalo na pagsapit ng Semana Santa.
Ang pasyon ay naratibong tula ng Pilipinas na ayon sa isang pag-aaral, ang tradisyon ng mga Pilipino na pagbabasa ng pasyon tuwing Holy Week ay pinaniniwalaan na nagsimula sa "laro".
Sinasabi rin na ang unang Pilipinong sumulat at kumanta ng pasyon sa Tagalog ay si Padre Gaspar Aquilino de Belen, isang katutubo ng Rosario, Batangas.
Ang kaniyang salin ay makikita sa "Manga Panalangin Nagtatagubilin sa Calolowa Nang Taong Naghihingalo" Dahil sa binigyan ng permiso mula sa simbahan ni Padre Antonio del Pueblo si de Belen, napahintulutan na ilimbag niya ang Pasyon sa Maynila noong 1704.
Bilang kauna-unahang akda ng ganitong uri ng panitikan, ito ay nakatanggap ng karangalan at nang maging mabenta ito sa maraming taon ay nailimbag itong muli sa ikalimang pagkakataon noong 1750.
Dahil sa kamangha-manghang pagtanggap sa Pasyon ni de Belen, ito ay naging dahilan upang sumunod ang ibang manunulat sa kaniyang yapak.
Tulad ng pasyon, ang mga kasali sa “tawagan" ay nagsasalitan ng kanilang sagot mula sa isinulat na tula ni Marinao Pilapil noong 1884 na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin sa mga pabasa sa Pasyon.