Boy Abunda, ang pagkalulong niya sa bisyong hirap na hirap umano niyang maiwasan.
Ayon pa sa aktres, anim na taon niyang sinubukang kalimutan ang adiksyon niya sa ipinagbabawal na gamot.
Aniya, "Si Lord lang talaga. 'Yung 6 years kong tina-try, sabi ko kay Christopher de Leon, gusto ko ulit mag-retreat. 3 days ang retreat. Sabi ko lang sa kaniya, 'Lord, tanggalin mo 'to. Hindi ko kaya. I admit, hindi ko kaya. Alam mo 'to na 6 years kong tina-try alisin, di ko kaya."
"Ayoko na. Sabi ko, I surrender. Iyo na ito," dagdag pa niya.
Idiniin din ng premyadong aktres na walang maidudulot na mabuti ang droga at sinabi rin niyang mas mapapalala pa nito ang sitwasyon.
"Pero pagdating kasi doon sa shabu, 'yung try mo lang biglang ito na hindi mo na siya ma-stop. It's very deceiving kasi akala mo nagagawa mo nang normal pa rin, pero 'di mo alam unti-unti kang lumulubog, winawala ka ng bisyo mo at mali-mali na 'yung desisyon mo. Pati 'yung paniniwala mo naiiba na," saad ng aktres.
Nagbigay naman ng payo ang aktres sa mga kabataan na mas mabuting huwag na nilang subukan ang anumang bisyong posibleng makasira ng pangarap nila.
Ibinahagi rin ng award-winning actress na matapos niyang isinuko lahat sa Panginoon ang kaniyang problema, bumuti at umayos umano lahat ng mga bagay-bagay.
"Ang maganda kasi since then umayos lahat, gumanda lahat, at smooth lahat. Nalagay sa tamang puwesto ang lahat, ganiyan. And then, 'yung mga dating ganito, umayos. 'Yung di mo akalaing mangyayari sa buhay ko na, ni hindi ko pinangarap, iyong sobra pa sa mga naiisip ko, inakala ko, at inaasahan ko," sey ni Amy.