Maituturing ng aktres na si Alice Dixson na isa sa "most interesting characters" na kaniyang ginampanan sa pelikula ay ang portrayal sa isa sa mga pinakakontrobersyal ding personalidad sa kasaysayan---ang dating First Lady na si Imelda Marcos, asawa ni yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
Sa kaniyang Instagram post noong Marso, pinasalamatan ni Alice ang singer-politician na si Imelda Papin matapos siyang piliing gumanap bilang young Imelda Marcos para sa kaniyang biopic movie na "Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin."
"One of the most interesting characters I’ve ever portrayed. Thank you Ate Mel for trusting me to play such an important role in your life & history. I love you," ani Alice.
Bukod sa biopic ni Imelda, makikita rin sa pelikula ang huling tatlong taon ni Marcos. mula sa Palasyo (1986) hanggang sa magtungo ang kaniyang pamilya sa Hawaii matapos ang EDSA People Power I (1989).
Ibinida rin ni Alice sa kaniyang Instagram post ang behind-the-scene ng kanilang photoshoot para sa official poster ng pelikula, kasama sina ER Ejercito bilang dating pangulong Marcos, Sr. at si Claudine Barretto bilang young Imelda Papin.