Napakaganda ng mundo kapag ang bawat isa ay nagtutulungan at nagpapakumbaba, katulad ng ginawa ni Hesus nang hugasan niya ang mga paa ng kaniyang mga disipolo.

Ito ang laman ng homilya ng Santo Papa sa ulat ng Vatican.

Ipinaalala ni Pope Francis sa kaniyang misa sa Casal del Marmo juvenile penitentiary sa Rome nitong Huwebes Santo, Abril 6, kung paanong hinugasan ni Hesus ang paa ng kaniyang mga alagad bilang tanda ng walang hanggan niyang pagmamahal sa atin at upang maipahayag ang halaga ng pagpapakumbaba at serbisyo ng bawat isa.

Ayon sa Papa, napakaganda aniya ng buhay kung tutularan natin ang ginawa ni Hesus – kung magtutulungan ang bawat isa sa halip na gawin ang mga makamundong bagay tulad ng panloloko sa iba.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Dagdag pa niya, may mga pagkakataong maaari tayong mapanghinaan ng loob sa kung anong nilalaman ng ating puso, ngunit ang pagmamahal ng Diyos ay walang kapantay kahit sino at ano pa man tayo.

“Jesus knows what we are inside. He knows each one of us. Jesus is not afraid of who we are, of who we have been. He wants to accompany us, to take us by the hand so that life would not be quite so dufficult,” saad ni Pope Francis.

Matapos ang homiliya ni Papa, hinugasan at hinalikan niya ang kanang paa ng 12 kabataang bilanggo na naroroon sa misa. Ito ay bilang tanda umano kung paanong dapat ay magkaisa ang bawat isa, patuloy na magtulungan, magmahalan, at magrespituhan – kahit pa sa gitna ng kahinaan natin bilang mga makasalanan.