Sa pamamagitan ng Google data, sinuri ng isang pag-aaral sa Amerika ang ilang paborito o sikat na mga programa sa kolehiyo sa iba’t ibang bahagi ng mundo kasama na ang Pilipinas.

Sa pag-aaral na “What the World Wants to Study: The most popular degrees in each country, according to Google data” ng University of the Potomac kung saan nasa mahigit 181 programa ang sinuri sa pamamagitan ng Google search sa bawat bansa, lumalabas na nursing ang pinakasikat na programa lahat sa buong mundo.

Sinundan ito ng kursong business administration at law degree.

“These three programs likely attract a large number of students due to their practical and in-demand nature, as well as the diverse career opportunities they can provide,” anang pag-aaral.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Sa Pilipinas, nasa listahan ng most searched college degrees ang engineering bilang pinakauna, architecture bilang pangalawa at psychology degree.

Hindi naman naipalawanag ang teyorya ng pag-aaral ukol sa naging resulta nito.

Sa bansa pa rin, kahanay ng China, Brazil, Russia, Germany, Argentina, at bukod sa iba pa, nananatiling “most popular degree” naman ang education degree.