Santa Ana, Cagayan -- Nasagip ang labinlimang pasahero sakay ng motorbanca na John Lea matapos bahagya itong lumubog malapit sa Brgy. San Vicente, Biyernes, Abril 7.

Bandang alas-3 ng hapon ay namataan ng Search and Rescue Team ang motorbanca sa katubigan ng Brgy. San. Vicente, Sta. Ana, Cagayan.

Ito ay humigit-kumulang 300 metro ang layo mula sa baybayin.

Kaagad na sinagip ng mga tauhan ng Coast Guard Station Cagayan at Coast Guard Sub-station Sta Ana ang 15 pasahero.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Matapos iligtas, dinala sila sa Port of San Vicente para sa agarang medikal na atensyon.

Ayon sa ulat, lumubog ang motorbanca dahil sa overloading.

Samantala, namataan ng mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Aparri West na nagpapatrolya ng Baywatch ang isang taong nalulunod sa katubigan ng Brgy Bagu, Abulug, Cagayan.

Kinilala ang nasagip na indibidwal na si Benjie Malaga, 19 na residente ng Tabuk, Kalinga.