Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga awtoridad sa isang military helicopter sa Japan na may 10 sakay matapos itong maiulat na nawawala nitong Huwebes, Abril 6.

Sa ulat ng Agence France Presse, dakong 4:00 ng hapon sa lokal na oras (0700 GMT) nang mawala ang UH-60JA habang lumilipad ito sa ibabaw ng tubig sa isla ng Miyako sa katimugang Okinawa dahil sa isang reconnaissance mission.

Dalawang piloto, dalawang mekaniko at anim na tripulante ang nakasakay sa nasabing helicopter, ayon sa AFP.

Natagpuan naman umano ng mga coastguard rescuers nitong Biyernes, Abril 7, ang ilang piraso ng mga debris kabilang na ang isang pinto, snapped blade at isang yellow life raft na nakaimpake pa rin sa loob ng isang bag, na mukhang nagmula umano sa helicopter.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ipinangako naman ni Defence Minister Yasukazu Hamada na ipagpapatuloy nila ang paghahanap sa nasabing missing helicopter.

"We conducted search and rescue operations in the area throughout the night, but we have yet to find General (Yuichi) Sakamoto of the Ground Self Defence Force 8th division as well as the nine other individuals," saad ni Hamada na tila nangingilid pa umano ang luha, ayon sa ulat ng AFP.

"We will make every effort to find the 10 people who are missing," dagdag niya.

Wala pa naman umanong indikasyon kung ano ang sanhi ng nasabing aksidente. na nangyari habang ang sasakyang panghimpapawid ay nasa isang reconnaissance mission sa lugar.