Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa heat stroke lalo pa't posible ang naturang sakit sa mainit na panahon ngayong tag-araw.

Sinabi ng DOH na ang heat stroke "ay nagaganap kapag hindi na makontrol ng katawan ang temperatura nito. Sa sitwasyong ito, ang temperatura ng katawan ay mabilis na tumataas, at bigo naman ang mekanismo ng pagpapawis (na ginagamit upang palamigin ang katawan)."

Ilan sa mga salik na nagpapataas ng panganib ng heat stroke ay kinabibilangan ng mainit at mahalumigmig na panahon, malalang ehersisyo sa mainit na panahon, dehydration, at masyadong direktang pagkakalantad sa araw, sabi ng DOH.

"People with heat-related illnesses typically present with dizziness, vomiting, headache, and warm, flushed skin," sabi ng DOH.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Those who have heat stroke in particular usually have signs pointing to a more severe condition, like: a very high fever of at least 40°C, rapid heartbeat and breathing, convulsions, and unconsciousness," dagdag nito.

Naglista ang DOH ng ilang estratehiya para maiwasan ang heat stroke. Kabilang dito ang paglilimita sa dami ng oras na ginugugol sa labas; pag-inom ng maraming tubig; pagsusuot ng magaan, mapusyaw na kulay, at maluwag na mga damit.

Dapat ding "iwasan ng publiko ang mga inuming may caffeine, tulad ng kape at tsaa." Pinakamainam din na mag-iskedyul ng mga aktibidad sa labas sa panahon ng "mas malamig na oras ng araw, kung maaari," at madalas na pahinga mula sa initan kapag nasa labas.

Samantala, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na ang heat stroke ay isang "medical emergency." Kung ang isang indibidwal ay nagpapakita ng mga palatandaan ng heat stroke, ang tao ay "dapat ilipat sa isang makulimlim na lugar o sa loob ng bahay, at dapat na ipahinga nang nakataas ang kanilang mga binti."

"Kung makakainom ng mga likido, dapat din silang humigop ng malamig na tubig. Para sa mga pasyenteng may heat stroke, pinakamahalagang simulan kaagad ang pagpapalamig ng kanilang mga katawan; ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtanggal ng kanilang damit, paglalagay ng malamig na tubig sa balat, at pagpapaypay sa indibidwal," sabi nito.

"Maaari ding ilagay ang mga ice pack sa kilikili, pulso, bukung-bukong, at singit," dagdag nito.

Matapos magawa ang nasabing mga pagtugon, dapat na agad na dalhin ang pasyente sa ospital upang siya ay makatanggap ng agaran at karagdagang medikal na suporta, sabi ng DOH.

Analou de Vera