Ito ang paalala ng kilalang voice talent at online personality na si Inka Magnaye matapos ang isang insidenteng nasaksihan habang nagbabakasyon.

La Union ang isa sa napili ni Inka na lugar para magpahinga ngayong long holiday break.

Isang insidente naman ang pinarating niya online bilang paalala sa kapwa furparents, o may alagang aso at/o pusa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“If you’re out of town with your dogs, please DON’T make them walk on the hot sand or hot cement,” sey ni Inka.

Pagsasalaysay niya, “I saw a man trying to walk his dog over the hot sand and the dog kept trying to pull back. I told him it was too hot and thankfully he carried his pup to the water.”

Aniya pa, "KUNG MASYADONG MAINIT PARA SA PAA MO, MAINIT DIN PARA SA KANILA."

Viral agad ang paalala ng online personality na sinang-ayunan ng maraming netizens sa Facebook.

Sa pag-uulat, umani na ang naturang post ng mahigit 16,000 reactions, 260 comment at halos 2,000 shares.

Ilang followers din ang nagpasalamat kay Inka para sa paggamit ng impluwensya nito online para sa kapakanan ng mga hayop sa kabila anila ng “common sense” na sanang sitwasyon.

Kaya sa lahat ng mga hahabol pang magkabakasyon kasama ang mahal na alaga, siguraduhin sana na sila ay nag-e-enjoy at higit sa lahat ay ligtas at komportable rin sa biyahe at sa bago nilang paligid.