“Parang nasa abusive relationship lang.” Ganito inilarawan ni labor lawyer Luke Espiritu ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na isantabi ang pagkakaiba para sa mas makataong lipunan, ngayong ginugunita ang Kuwaresma.

“Let the way of the Cross guide us in upholding solidarity, setting aside our differences to build a just and humane society, and fostering equitable governance that will ease the plight of our kababayans,”anang bahagi ng video message ni Duterte nitong Biyernes, Abril 7

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Basahin: Duterte sa paggunita ng Kuwaresma: ‘Let the way of the Cross guide us in upholding solidarity’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pag-ungkat ni Espiritu: “I-reretag ang mga jeepney drivers at mga teachers tapos sabay mang-aamo ng s’et aside differences’ daw. ‘Humane society?’ Grand words!”

Tinutukoy nito ang tahasang pagkundena ni Duterte sa nahintong transport strike noong Marso kung saan tinawag niyang “communist-inspire” at walang katuturan umano ang naging motibasyon nito.

Basahin: VP Sara, tinawag na ‘communist-inspired’,‘pointless’ ang transport strike – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Partikular na tinira noon ng Pangalawang Pangulo ang pakikiisa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sa nasabing protesta na sa huli ay hiniling naman sa opisyal na tugunan ang mga hinaing ng mga guro at mag-aaral sa sektor ng edukasyon.

Basahin: Grupo ng mga guro kay Duterte: ‘Iwasang magtago sa red-tagging, harapin ang hinaing ng mga guro, mag-aaral’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Duterte ang kasalukuyang hepe ng Kagawan ng Edukasyon sa bansa.

Sa huli, muling ipinaalala ni Espiritu kay Duterte na minsan na umanong tinawag ng sariling ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili bilang sosyalista.

Wala pangb tugon o reaksyon ang Pangalawang Pangulo sa mga pahayag na ito ni Espiritu.