Nanawagan si Vice President Sara Duterte ngayong Biyernes Santo, Abril 7, na ipamalas ang pagkakaisa upang magkaroon umano ang bawat isa ng makatarungan at makataong lipunan.
"These recent years, our strong faith as a nation has allowed us to display resiliency despite the global crises affecting our nation and the challenges in our personal and professional lives," ani Duterte sa kaniyang video message.
"Let the way of the Cross guide us in upholding solidarity, setting aside our differences to build a just and humane society, and fostering equitable governance that will ease the plight of our kababayans," dagdag niya.
Binanggit din ni Duterte na umaasa siyang ipamamalas ng bawat isa ang pananampalataya kasabay ng pangangampanya laban sa mga katiwalian sa bansa.
"Sa ating pananalangin, pasasalamat at pananampalataya, nawa'y ipakita natin ang walang hanggang pag-asa ng ating pananampalatayang Kristiyano kasabay ng determinasyong mangampanya laban sa lokal na komunismo, katiwalian, kriminalidad, at ilegal na droga na nagbabanta sa ating mga demokratikong mithiin at sumisira sa buhay ng marami,” ani Duterte.
“Ako ay umaasa na ang diwa ng Kuwaresma at muling pagkabuhay ni Hesus ay magbibigay-inspirasyon sa mga Pilipino na magsama-sama at makibahagi sa pagbuong muli ng ating bansa–isang Pilipinas na mapayapa, matatag, inklusibo at progresibo para sa ikabubuti ng bawat mamamayan,” saad pa niya.