Isang 4-taong gulang na bata sa Abu Dhabi, UAE, ang kinilalang pinakabatang may-akda sa buong mundo matapos siyang makapaglathala ng isang aklat tungkol sa kabutihan.
Sa ulat ng Guinness World Records (GWR), opisyal na kinilala si Saeed Rashed AlMheiri, may edad na 4 years 218 days, bilang pinakabatang manunulat nitong Marso 9, 2023, nang makapagtinda siya ng mahigit 1,000 kopya ng kaniyang children’s book na pinamagatang ‘The Elephant Saeed and the Bear’.
Ayon kay Saeed, ang istorya ito ay tungkol sa kabutihan at sa hindi inaasahang pagkakaibigan ng isang elepante at isang polar bear.
“The elephant had a picnic and he saw a polar bear. He thought the bear was going to eat him but, in the end, the elephant showed kindness and said ‘let’s have a picnic together’! Then they became friends and showed kindness to each other,” aniya.
Naging inspirasyon umano ni Saeed sa pagsusulat ang kaniyang ateng si AlDhabi. Si AlDhabi ay naging world’s youngest person to publish a bilingual book (female) at ‘youngest person to publish a bilingual book series (female)’ sa edad na 8 years 239 days.
“I love my sister so much and I enjoy playing with her all the time. We read, write, draw and do so many activities together. I wrote my book [inspired by her] as I felt that I could have my own book too,” ani Saeed sa GWR.
Pinakamasaya naman si Saeed tuwing hayagang binabasa ng kaniyang mga magulang at kaibigan sa eskwelahan ang kaniyang akda.
“I’m happy and proud that I did something nice like my sister AlDhabi. I love when my friends feel happy for me too,” ani Saeed.