City of San Fernando, Pampanga -- May 3,000 tauhan ng Police Regional Office 3 (PRO3) kabilang ang force multipliers at dagdag na tropa mula sa iba pang law enforcement units ang naka-deploy ngayon sa Central Luzon sa paggunita ng Semana Santa.

Mula sa kabuuang bilang na naka-deploy, mahigit 1,500 ang kapulisan, 1,299 force multiplier at halos 300 augmentation troop mula sa iba pang ahensya ang nakaalerto.

Larawan ni Liezle Basa Inigo

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Babantayan nila ang mga lugar ng pagsamba, convergence areas, pangunahing kalsada, pilgrimage sites at tourist destinations sa rehiyon.

Isang malapit na koordinasyon sa mga kinauukulang yunit ang inilatag din upang matiyak ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng pagdiriwang ng panahon ng Kuwaresma at buong bakasyon sa tag-init, anang opisyal ng pulisya.