Si dating senador Manny Villar pa rin ang itinuturing na pinakamayamang Pilipino sa buong bansa ayon sa 2023 Forbes' List of World's Billionaires.

Si Villar ang nanguna sa Pinas na may wealth grow na $8.6B, at pang-232nd naman sa buong mundo.

Sumunod kay Villar sina Enrique Razon ($7.3B) ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI), Ramon Ang ($3.4B) ng San Miguel Corp.’s (SMC), Henry Sy, Jr. ($2.5B) ng SM Investments at SM Prime Holdings, at Andrew Tan ($2.5B din) ng Alliance Global Inc. (AGI).

Ang iba pang kapatid ni Henry Sy, Jr at mga anak ng yuamong may-ari ng SM na si Henry Sy, Sr. ay pasok din sa top 10: ito ay sina Hans Sy at Herbert Sy ($2.4B), gayundin sina Harley Sy at Teresita Sy-Conson $2.2B).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pasok din sa Top 10 ang business magnate na si Lucio Tan ($2.4B).

Ang sumusunod naman sa Top 10 ay sina Lance Gokongwei ($1.4B), Tony Tan Caktiong ($1.2B), at Iñigo Zobel na pinsan ni Jaime Zobel de Ayala (($1B).

Ang global list naman ay pinangunahan nina LVMH chairman at chief executive Bernard Arnault ($211B), Elon Musk ($180B), Jeff Bezos ($114B), Larry Ellison ($107B), at Warren Buffett ($106B).