Good vibes ang hatid sa netizens ng isang throwback video matapos mag-post ang isang Tiktok user ng isang nakakatawang eksena sa pagbasa ng pasyon.
Mapapanood sa video na ibinahagi ni Jerie Mae mula sa San Jose Bulacan ang isang eksena kung saan nagpipigil sila ng tawa ng kaniyang tito habang nagbabasa ng pasyon dahil sa kanilang lola na hindi sinasadyang magkamali.
Ang pabasangPasyón ay isa sa mga tradisyon ng Semana Santa sa Pilipinas. Ito ay pagtitipon-tipon sa linggong iyon upang manalangin sa pamamagitan ng pag-awit o pagbabasa ng isang kuwento ng Pasyon ni Hesus.
Kuwento ni Jerie, nakuhanan ang video noong nakaraang taon sa kanilang Facebook Live at lumabas lamang muli ito sa kaniyang memories sa Facebook kung kaya't inupload niya ulit ito.
"Last year po kuha yan via FB live, actually nag memory lang sya sakin, so pinanuod ko po ulit, kaya ginawa ko dahil diko naman na ma save sa phone ini-screen record ko nalang. At naisipan ko nga syang i upload sa tiktok account ko," aniya sa panayam ng Balita
"Yung family po namin talagang active din sa Church, so every year talagang panata na namin ang pag basa ng Pasyong Mahal.
"Yung time na yan talagang halos lahat ng mga pinsan, tita, lola ko ay pagod na din kaya natulog na. Galing din kasi kami sa pag hahanda ng altar, pag lilinis at pag luluto. So, kami nalang natira ng tito ko yung nasa left side na nag kakape na para labanan yung puyat at yung lola Huling ko naman na nasa back namin.”
Strikta raw ang kaniyang lola sa nakagawian kaya naman todo pigil silang hindi magkamali at tumawa.
"Naghahalo na talaga nung time na yan yung puyat, pagod, antok. Bawal na bawal talaga tumawa pag nag babasa kami ng pasyon, medyo strikta talaga yung lola ko sa ganyan.
Dagdag pa niya na matinding sakripisyo ang pagbabasa ng pasyon, naniniwala kasi sila na kapag nakatapos at nairaos ang buong laman ng libro ay magkaka-blessing ang buong pamilya.
"Pero di po talaga maiiwasan na magkamali at matawa lalo at may mga ganyang words kang mababasa. Basta wag nyo ihihinto ang pagbasa, ituloy nyo lang masama daw po kasi mahinto yan."
Narito naman ang kaniyang mensahe sa lahat ng makakabasa na, "Alam ko pong may iba’t iba tayong pag iisip at paniniwala pero sana matuto din tayong makipag kapwa tao at rumespeto. Wala sa relihiyon para masabing mabuti ka o hindi, ang mahalaga alam mo ang tama at wag gawin ang mali."
—
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!