Nananawagan ng suporta sa mga kababayan sa Pilipinas ang estudyanteng Pilipinang nagwagi sa Shakespeare Competition sa US kamakailan, para sa "People's Choice Award sa finals ng naturang kompetisyon.
Matatandaang Si Pierre Beatrix Madlangbayan, isang junior high school student mula sa Garden City High School, Garden City, Kansas, ay nagwaging kampeon laban sa mga katunggaling mag-aaral sa iba't ibang high school sa Kansas, sa ginanap na "Shakespeare Competition" ng The English-Speaking Union Kansas City Branch sa Amerika noong Pebrero 19, 2023.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/27/estudyanteng-pinay-wagi-sa-shakespeare-competition-sa-us-lalaban-sa-finals/">https://balita.net.ph/2023/02/27/estudyanteng-pinay-wagi-sa-shakespeare-competition-sa-us-lalaban-sa-finals/
Dahil dito, aalagwa naman ang pambato ng Pinas sa National Competition sa Abril 24, 2023, na isasagawa naman sa Lincoln Center, New York City.
Mag-uuwi ng scholarship para sa British American Drama Academy Mid-Summer Conservatory Program ang magiging kampeon ng National Competition. Scholarship para sa American Shakespeare Center Theatre Camp ang makukuha ng 2nd place winner, at $1000 naman para sa 3rd place.
Samantala, naglabas ng mekaniks ang pamunuan ng kompetisyon para sa pagboto ng "People's Choice Award" na maaaring gawin ng sinuman sa iba't ibang panig ng mundo, ngunit sa pamamagitan ng text votes.
"The People's Choice Award is an event for the whole ESU Shakespeare community! Like last year, ESU members, friends, families, teachers, classmates, and communities will be able to vote for their favorite First Place Shakespeare Competition winner from ESU Branches all over the U.S."
"Let's keep the fun going and vote for our Kansas City Branch Shakespeare Competition winner, Pierre Madlangbayan! Click the link below to watch the video performances of 40 students who entered the 2023 National Shakespeare Competition."
"Be sure to watch Pierre Madlangbayan’s video, she is #15."
Sa Abril 20, 2023 ang deadline ng pagboto kaya hinihikayat ang lahat na suportahan ang ating kababayan.
Ang buong detalye ay mababasa sa opisyal na Facebook page ng English-Speaking Union Kansas City Branch.