BAGUIO - Isang magkasintahan mula sa Cavite at limang magkakaibigan mula sa Bataan na first time na magtutungo sa SummerCapital ng Pilipinas upang gugulin ang pagdiriwang ng Mahal na Araw, ang napili ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club (BCBC) bilang Baguio BenguetLuckySummerVisitor 2023.

Sinabi ni BCBC president Joseph Cabanas (Radyo Pilipinas), napili ng media selection committee ang unang dalawa na sina Ciara Balmaceda 26, administrative staff, at Ivan Maglis 25, parehong taga-Bacoor, Cavite.

Ang grupo naman ng limang bakasyunista ay sina Ivy Cayabyab, 30; Lea Cayabyab, 25; Rechelle Ramos, 36; Joan Velez, 38 at Genalyn Billones,37, pawang taga-Mariveles, Bataan.

Sumakay ang dalawa sa isang pampasaherong bus sa Pasay City patungong Baguio nitong Huwebes Santo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dakong 8:00 ng umaga, napili naman sila ng media group sa Pugo, La Union, habang ang lima ay napili mula sa isa pang pampasaherong bus, dakong alas-8:30 ng umaga.

Ang mga masuwerteng bisita ay bibigyan ng apat na araw ng red carpet treat na kinabibilangan ng tirahan, pagkain, token at guided tour sa iba't ibang lugar ng turista sa lungsod, La Trinidad at Tuba sa Benguet.

Kaugnay nito, pinasalamatan din ng grupo sina Pugo, La Union Mayor Kurt Martin at Tuba Mayor Clarita Sal-ongan dahil sa pagtulong sa kanilang proyekto.